Atin nang kinalakhan ang kasabihan o paniniwala ng maraming tao na "Ang Kabataan Ay ang Pag-asa ng Bayan". Ngunit sa pagdaan din ng napakaraming panahon, ating nasasaksihan ang unti-unting pagkasira ng kinabukasan ng ilan sa mga kabataan dahil na rin sa kakulangan sa atensiyon, pag-aaruga at pagmamahal mula sa kani-kanilang pamilya.
Ngayong taong ito ay isinusulong ng bawat isa sa atin ang tamang pag-aaruga sa lahat ng bata, upang sila ay lumaking may takot sa Diyos, malusog, matalino at matulungin. Atin silang pagkalooban ng lubos na pagmamahal at atensyon mula sa kanilang pagkasilang hanggang sila ay lumaki. Ipasok natin sila sa magagandang paaralan kung saan masisiguro nating nasa maayos silang kalagayan at natuto ng mga kaalamang dapat nilang malaman. Ngunit bilang magulang nila ay sa atin nakasalalay ang unang kaalamang kanilang makukuha kaya naman sana ay magpakita tayo ng tama at maayos na mga kilos o gawi na kanilang maging modelo at inspirasyon para lumaking matinong bata.Ating isulong ang maayos na pag-aaruga sa ating mga anak upang hindi mabalewala o masira ang kanilang kinabukasan. Ano man ang mangyari sila ay mga kabataang kailangan ng atensiyon at lubos na pagmamahal upang maayos silang lumaki.
image references:
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwiWhLSh7YTfAhWLA4gKHQZUBRUQjRx6BAgBEAU&url=http%3A%2F%2Firisrizza.blogspot.com%2F2017%2F02%2Fkaibahan-ng-kabataan-noon-sa-kabataan.html&psig=AOvVaw1SML7JQ2fqpBA0D3Idj81Y&ust=1543967446825310
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Ffilipino.cri.cn%2Fmmsource%2Fimages%2F2017%2F07%2F18%2Fa026d5cae21d439abc20701bcdf32673.jpg&imgrefurl=http%3A%2F%2Ffilipino.cri.cn%2F301%2F2017%2F07%2F18%2F106s150679.htm&docid=lC4TQYax7tjuBM&tbnid=k7k2Nr6-UrxIjM%3A&vet=10ahUKEwjVpPGK7YTfAhVFBIgKHXUyCcsQMwhlKDAwMA..i&w=500&h=302&bih=657&biw=1366&q=mga%20kabataan&ved=0ahUKEwjVpPGK7YTfAhVFBIgKHXUyCcsQMwhlKDAwMA&iact=mrc&uact=8
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fpanahongtamaraw.files.wordpress.com%2F2016%2F10%2Fkabataan2.jpg%3Fw%3D616%26h%3D265&imgrefurl=https%3A%2F%2Fpanahongtamaraw.wordpress.com%2F2016%2F10%2F11%2Fbisyo-ng-mga-kabataan%2F&docid=GBl1zhphDbx7CM&tbnid=VNUm57mWOYjzLM%3A&vet=10ahUKEwjVpPGK7YTfAhVFBIgKHXUyCcsQMwgoKAEwAQ..i&w=616&h=265&bih=657&biw=1366&q=mga%20kabataan&ved=0ahUKEwjVpPGK7YTfAhVFBIgKHXUyCcsQMwgoKAEwAQ&iact=mrc&uact=8
No comments:
Post a Comment