Thursday, August 2, 2018

Wika Ng Saliksik

     May sari-saring mga lenggwahe o wika dito sa ating bansa na ating ginagamit. Saan man tayo mapunta ay makikita natin ang pagkakaiba-iba ng mga ito. Gayon din sa iba pang mga bansa, may kanya-kanya rin silang wikang ginagamit. Napakahalaga nito sa komunikasyon dahil ito ang isang daan upang tayo ay magkaintindihan. Ngunit, ano pa ba ang maaaring maibigay ng wika sa atin?

      Tuwing agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng wika na kung saan kada-taon ay mayroon itong iba't- ibang tema. Ngayong taong 2018, ang tema ng Buwan ng wikang ating ipinagdiriwang ay "Wika ng Pananaliksik" . Ito ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Layunin ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba't-ibang larangan ng karunungan gaya ng agham at matematika gamit ang temang ito. Ang salitang pananaliksik ay ang pangangalap ng mga impormasyon ukol sa isang bagay. Sa pamamagitan ng ating pananaliksik ay nakakakalap tayo ng maraming kaalaman o impormasyong ating siguradong mapakikinabangan.  Me: Kaya naman sana ay marunong tayong magpahalaga, mahalin at tanggapin ang ating sariling wika. At sa iba naman ay matuto rin sana
Tayong maging bukas sa pagtanggap at pagkatuto sa iba pang lenggwahe upang maging bukas rin tayo sa panibagong kaalaman.

      Ang pagkakaroon ng sariling wika ay isa sa ikakauunlad ng ating sariling bansa.  Wikang hindi lamang upang magkaintindihan tayong mga mamamayan kundi para mabigay pa o maghatid sa atin nang karagdagang karunungan.

Reference/s:Rappler
https://www.rappler.com





1 comment: